Zambales at Olongapo walang naitalang major incidents sa nakalipas na Semana Santa

Walang naitalang malalaking insidente at aksidente ang lalawigan ng Zambales at Olongapo City nitong nakalipas na Semana Santa.

Sa Olongapo City, ayon kay City Disaster Risk Reduction Management OIC Irvin Paras, maliban sa mga ilang ulat na may nahilo dahil sa init ng panahon ay walang anumang major incidents.

Sa Zambales naman ayon kay Zambales Police Provincial Office Dir. Pcol. Ricardo Pangan, noong April 8 ay may isang insidente ng pagkalunod sa isang swimming pool sa bayan ng Iba subalit sa eight focus crimes ay walang naitala ang ZPPO.

Bagamat dumagsa ang mga turista at mga residente sa mga beach, camp site at iba pang lugar sa lungsod at lalawigan ay tiniyak umano ng mga otoridad ang pag-iikot, pagbabantay at paalala sa mga ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *