Zambales, di pa ramdam ang pagtaas ng presyo ng bigas

Hindi pa ramdam ng Zambales ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa epekto ng sunod-sunod na oil price hike.

Ito ay kahit pa nauna nang nagtaas ng presyo ng bigas sa Olongapo nang hanggang apatnapung piso sa kada 50kilos.

Ayon kay Zambales Provincial Agriculturist Cris Rabaca, ang mga bigas na itinitinda ngayon sa merkado ng Zambales ay matagal nang inani bago pa magsimula ang walang tigil na pagtaas presyo ng gasolina at krudo.

Pagmamalaki ni Rabaca, malaki ang tulong na mayroong sariling produksyon ng agricultural products ang Zambales kaya nasusuplayan ang pangangailangan nito nang di kailangang bumili sa labas ng lalawigan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says 'Lazada Buy now at Did you know know? that vitamin C can be of help in reducing the risk of catching a cold or reduce the length span of cold symptoms? ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Û.aa-'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *