10-Point Agenda on Economic Recovery hindi exit plan ng Duterte admin – Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na hindi maituturing na exit plan ng Duterte administration mula sa Covid-19 ang bagong Ten-Point Agenda on Economic Recovery na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar ang naturang hakbang ay upang mapatatag ang bansa sa ilalim ng New Normal na pwedeng sundan ng susunod na administrasyon.

Paliwanag ng kalihim katulad lamang ito sa kung paano pinagtibay ng Administrasyong Duterte ang Executive Order No. 168 ng nakaraang gobyernong Aquino at nilikha ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Una nang sinabi ng Malakanyang na ang Ten-Point Agenda on Economic Recovery ay naglalayon na mapanatili at mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya at magmaneho ng malawakang pagpapalawak sa iba’t ibang produktibong sektor sa gitna ng mga hamon na dala ng patuloy na pandemya ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *