10 pamilya, binaha sa Surallah; 1 patay

KORONADAL CITY – ISA ang patay habang mahigit sa 10 pamilya ang apektado sa nangyaring pagbaha at landslide bunsod ng sunud-sunod na malakas na buhos ng ulan mula noong Agosto 16 sa Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.

Ang namatay ay kinilalang si Gerafel Valentin, 18 anyos na natagpuan na lamang na wala ng buhay noong Agosto 18 at pinaniniwalaang inanod ng tubig baha matapos abutan ng malakas na ulan sa sapa.

Ayon kay Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer o MDRRMO Leonardo Ballon na kabilang sa mga apektado ng baha ang Sitio Datal Banate, Sitio Datal Lalo at Sitio Datal Lawa.

Inihayag ni Ballon na may mga kabahayan din na nasira, mga inanod na mga hayop, mga nasirang tanim at daan dahil sa baha at landslide.

Agad namang nagdeploy ng mga heavy equipment ang LGU Surallah sa naturang mga lugar upang maisaayos ang daan.

Nabigyan na rin ng food packs ang mga apektadong pamilya at makakatanggap din ang mga ito ng emergency shelter assistance.

Wala namang naitalang mga evacuees sa naturang kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *