911 schools sa region 12, magpapatupad na ng full in-person classes

KORONADAL CITY- KOMBINASYON ng full in-person classes at blended learning modality ang ipatutupad sa mga paaralan sa Soccsksargen region sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Inihayag ni Department of Education o DepEd 12 regional director Carlito Rocafort na 911 na mga paaralan na sa rehiyon ang magpapatupad ng full face-to-face classes.

Ito ay kinabibilangan ng 430 schools sa South Cotabato; 251 schools sa Saranggani; 117 paaralan sa Sultan Kudarat; 70 schools sa Kidapawan City; 25 schools sa Koronadal; at 18 paaralan sa General Santos City.

Ayon kay Rocafort na South Cotabato pa lamang ang 100% na magpapatupad ng full in-person classes sa lahat ng mga paaralan nito.

Wala namang paaralan sa Cotabato province at Tacurong City ang magsasagawa ng full in- person classes.

Samantala, blended learning pa rin ang modalities ng 1,271 na mga eskwelahan.

Sa datos ng DepEd 12 noong August 17, nasa 882,224 na mga elementary at high school students ang inaasahang dadagsa sa mga private at public schools sa Lunes at inaasahan na ito ay madadagdagan pa dahil sa nagpapatuloy na enrollment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *