10 suspek sa pagkidnap at pagpatay sa Pharma exec, kinasuhan ng kidnapping at murder

Kinasuhan ng Department of Justice ang 10 suspek  sa pagkidnap at pagpatay sa pharmaceutical businessman na si Eduardo Tolosa noong July 2022.

Sa isang resolusyon na inilabas noong February 14, 2023 ngunit inilathala kahapon, kinasuhan ng DOJ prosecutors ng kidnapping for ransom with murder ang mga sumusunod na suspek:Carlo Cadampog y Gonzales, Cesar Cadampog y Gonzales, Adrian Joseph Mendez y Lleva a.k.a. “AJ”, Richmel Riel Ignilan y Peralta a.k.a. “Bay”, Jomel Vizcarra y Quines, Aldrin Antonio/Normal Antonio a.ka. “Tomtom”, John Benedict Dumalanta y Veral, Victor Ferrer y Ragodon, David Gundran, Jr. y Zulueta at Levin Andes y Leonor.

Ang pagsasampa ng kaso ay batay sa mga testimonya ng limang tao na nakibahagi sa disposal ng bangkay ni Tolosa, gayundin ang kuha ng CCTV. Itinuro nila si Carlo Cadampog bilang mastermind umano.

Huling nakita ang 50-anyos na si Tolosa noong July 19, 2022 sa BGC sa Taguig City sakay ng kanyang puting SUV kung saan nakatanggap umano siya ng 2 luxury watches at foreign currency  mula sa isang company messanger.

Hindi na siya muling nakita ngunit ang kanyang sunog na SUV ay na-recover sa Pampanga.

Inamin ng mga saksi ang paglilibing at pagsunog sa bangkay ni Tolosa. Napatay si Tolosa sa kabila ng pagbabayad ng ransom ng kanyang pamilya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *