100%  face-to-face classes sa Partido State University maganda ang turn-out

NAGA CITY – 100% nang nagpatupad ng face to face classes ang Partido State University, kung saan on site na rin mismong nagrereport ang mga guro.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Charlie Balagtas, Planning Director at University Information Officer, sinabi nitong bukod sa naging maganda ang turn-out ng mga unang araw ng full face classes mas inaasahan nilang mas mag-eexcel pa sa klase ang kanilang mga estudyante lalo na’t may physical interaction na.

Kung ikukumpara aniya noon na online classes na nahahati ang oras at panahon ng mga mag-aaral lalo na’t ang ilan sinamantalang makapagpart-time job o makapaghanap ng pagkakakitaan habang nasa online at blended learning.

Ayon sa opisyal suportado nila ang mga ito lalo na’t kung kayang balansehin ng mga estudyante ang kanilang oras lalo na ngayon ngunit hindi nila hinihikayat ang mga estudyanteng hindi marunong magmanage ng time, dahil maging sila mas nais nilang habang nag-aaral pa lang nagsisikap na at kumikita na nang sariling pera ang kanilang mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *