10M Filipinos, fully vaccinated na!

Umabot na sa 10 milyong Pilipino ang ‘fully vaccinated’ kontra COVID-19.

Ito ang masayang ibinalita ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isinagawang event ngayong umaga kasama ang ilang health officials.

Ayon kay Roque, naabot na ng bansa ang maituturing na “very important milestone” sa vaccination program nito.

Kung dati umano ay nagkukumahog ang bansa kung saan kukuha ng bakuna, ngayon ay mayroon nang 10 milyong Pilipino na may full protection kontra virus.

Dahil dito ay matagumpay na naabot ng gobyerno ang target nitong 10 million fully vaccinated Filipinos bago ang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ sa National Capital Region o NCR simula bukas, Agosto 6 na magtatagal hanggang Agosto 20 ngayong taon.

Kasabay nito ay binigyan umano ng national government ang Metro Manila ng 4 million additional jabs para gamitin sa pagbabakuna habang naka-ECQ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *