111 new cases, 227 recoveries, 7 deaths sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 20,381 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng 111 na bagong kaso ngayong araw.

51 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 27 ang mula sa Naga City. Pero nilinaw ng Department of Health (DOH) Bicol na anim lamang ang bagong nagpositibo sa lungsod dahil ang 21 sa mga ito ay sa labas ng Bicol na-test at nagpositibo pero reported sa Regional Epidemiological Surveillance Unit (RESU).

Tiglimang bagong kaso naman ang nadagdag sa bayan ng Lupi at Nabua, tigtatlo ang bayan ng Caramoan at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Bula, Canaman, Del Gallego, Libmanan, Sipocot, Tigaon at lungsod ng Iriga.

Ang lalawigan ng Masbate ay may 20 bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa Masbate city, lima sa bayan ng Aroroy, tatlo sa bayan ng Mobo, dalawa sa bayan ng Uson at tig-isa ang bayan ng Dimasalang at Milagros.

Ang Albay ay nagtala ng 19 na bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa bayan ng Pioduran, tigdadalawa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Manito at lungsod ng Tabaco at tig-iisa naman ang mga bayan ng Guinobatan, Oas, Polangui at Sto. Domingo.

12 bagong kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Gubat at tig-iisa ang mga bayan ng Irosin, Juban, Magallanes at Prieto Diaz.

Siyam na bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Daet at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Jose Panganiban, Labo at Sta. Elena habang zero new positive case ang lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, pumalo na sa 16,337 ang total recoveries matapos madagadagn ng 227 na mga bagong gumaling. 118 nito ay mula sa Albay, 86 sa Naga City, tig-11 ang Catanduanes at Sorsogon at isa sa Masbate.

Pumalo naman sa 769 ang death toll matapos madagdagan ng pito kung saan lima nito ay mula sa Camarines Sur at tig-isa ang Albay at Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### ||SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *