13 anyos na lalake mula sa bayan ng Daet naputukan ng boga noong bisperas ng pasko, dalawang Christmas babies ipinanganak sa CNPH

Nakapagtala agad ng isang firework related injury ang lalawigan ng Camarines Norte noong bisperas ng pasko.

Sa impormasyon mula sa Health Emergency Management Staff (HEMS) ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang biktima ay isang 13 anyos na lalake mula sa Barangay Gahonon sa bayan ng Daet.

Nagtamo ito ng first degree burn sa mukha dahil sa paggamit ng boga.

Binigyan ng antitetanus, tetanus toxoid, pain reliever at nag apply din ng ointment sa pasyente na pinauwi rin naman sa kanilang tahanan.

Noong isang taon dalawang fireworks related injury ang naitala sa lalawigan na dahil naman sa kwitis.

Muli namang nagpaalala ang Provincial Health Office na iwasan ang paggamit ng paputok upang ligtas na salubungin ang bagong taon.

Samantala, dalawang Christmas babies naman ang ipinanganak sa CNPH sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ang isa ay lalake na tumitimbang ng tatlong kilo na ipinanganak dakong ala 1:40 ng umaga ng December 25.

Ang isa naman ay isang sanggol na babae na tumitimbang ng 3. 5 kilos na ipinanganak ala 1’ 46 ng umaga.

Ang mga ito ay nagmula sa Mercedes at Jose Panganiban na parehong normal delivery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *