13 panibagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala  ng 13 panibagong kaso ng COVID- 19 ang  lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo o mula October 9- 15.

Mas mataas ito kumpara sa pitong kaso na naitala noong October 2- 8.

Ang mga bagong kaso ng COVID- 19 ay nagmula sa Daet na mayroong anim, tatlo sa Sta Elena at tig iisang kaso sa Basud, Labo, San Lorenzo Ruiz at Vinzons.

Wala namang naitalang bagong nakarekober sa sakit sa nabnggit na panahon.

Nananatili namang mababa ang pagkaka ospital o healthcare utilization rate sa probinsiya.

Sa 124 beds na inilaan para sa COVID cases 26 dito ang nagamit o 21. 0 percent.

Habang wala namang naitalang  paggamit sa ICU beds at mechanical ventilators.

Patuloy pa rin namang pinag iingat ng DOH ang publiko kahit tila hindi na alintana ngayon ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Mula March 2020 hanggang sa kasalukuyan nasa 254 na ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan dahil sa naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *