Mataas na bayarin sa kuryente pinoproblema na rin ngayon ng mga eskwelahan sa lalawigan

CAMARINES NORTE- Problemado na rin ngayon ang mga eskwelahan sa Camarines Norte dahil sa mataas na bayarin sa kuryente.

Ang pangamba ngayon lalo na ng mga school head ay hindi na umabot sa Disyembre ang kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa laki ng electric bill na dapat bayaran ng eskwelahan.

Ang tanong nila ngayon ay kung maaari bang humirit sa central office ng karagdagang MOOE nang para lang sa bayarin kuryente.

Ayon naman kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo may may mga natanggap na ring request letter ang Division Office para sa karagdaganng MOOE.

Hinimok ni Guemo ang mga school head na sumulat sa loob ng linggong ito upang kung sakali ay maihabol  bago matapos ang kasalukuyang fiscal year.

Hinimok din nito ang mga eskwelahan na rebisahin ang school budget plan at magkaroon ng adjustment lalo na sa mga school activities na hindi gaanong prioridad mula Oktubre hanggang Disyembre

Posible kasing magtuloy- tuloy pa ang pagtaas ng bayarin sa kuryente sa mga susunod na araw.

Ginawa ang pahayag na ito ni Guemo sa programang DepEd Hour nitong Sabado, October 15.

Matatandaan na tumaas ng halos dalawang piso per kwh ang billing rate ng Canoreco noong Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *