13 thousand Tilapia fingerlings, pinakalawan ng BFAR sa Apalit

Nagpakawala ng 13 thousand tilapia fingerlings ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resource o BFAR Region 3 sa ilog sa bgy San Vicente Apalit.

Sa ilalim pa rin ito ng “Balik Sigla sa Ilog at Lawa” o BASIL Program ng ahensya.

Layunin ng naturang programa na tulungan ang mga mangingisda na mapalago ang kanilang hanap buhay at dumami ang mga isda sa kailugan ng naturang bayan.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng Apalit Municipal Government sa BFAR dahil sa regular na pagtulong nito sa mga mangingisda ng kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *