Mga tanod sa Quezon, nais isalang sa Martial arts defense training

Pinaplano na maisalang sa martial arts defense training ang lahat ng mga barangay peacekeeper o tanod sa bayan ng Quezon, Palawan.

Ito ay sa layuning madagdagan pa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa oras ng operasyon at responde sa mga nasasakupan at madepensahan ang sarili.

Tinalakay ang usapin bunsod ng resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Quezon kahapon,  ika-14 ng Pebrero 2023.

Samantala, sa oras na maisapinal ito ay ang kapulisan o isang eksperto ang magtuturo sa kanila ng martial arts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *