15 dance crews, magpapasiklaban sa Tnalak hip hop dance competition

KORONADAL CITY – NAKAPILI na ang committee ng National Open Hip Hop Dance Competiton ng Tnalak Festival ng 15 mga officials entries na magpapasiklaban sa naturang aktibidad.

Napag-alaman na umabot sa 97 mga grupo mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nagsumite ng intensyon na sumali ngunit pumili lamang ang committee ang 15 na pinakamagagaling.

Lakip sa officials entries ang 4 na mga dance crews mula sa Luzon, 4 din sa Visayas habang 7 naman ang mula sa Mindanao.

Dalawa sa mga entries ay mula sa South Cotabato, ang Xtreme Dancers at Ground Zero ng Koronadal City.

Ang 2023 Tnalak National Open Hiphop Dance Competition ay itinakda sa July 17.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *