16,953 bagong kaso ng COVID, pinakamababa simula noong Jan 5

Naitala ng Department of Health ang 16,953 na mga bagong kaso ng COVID-19 at 27,638 recoveries.

Ito ang pinakamababang bilang ng daily infections na naitala simula noong Jan. 5.

Samantala, dahil naman sa mataas na bilang ng mga recoveries, ang active cases ay lalo pang bumaba sa 202,864.

Sa gitna nito, sumipa pa ang kabuoang kumpirmadong infections sa 3,545,680, habang ang total recoveries ay nasa 3,288,925 na.

Kaugnay nito, naitala ng DOH ang 20 pang bagong fatalities, dahilan para tumaas ang total death count sa 53,891. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *