19 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Albay; 2 sanggol kabilang sa mga nagpositibo

LEGAZPI CITY – Nadagdagan na naman ng 19 ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay kahapon.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO), dalawa sa mga ito ay mga sanggol na limang buwan at dalawang buwang gulang.

Pito ang nagpositibo sa Legazpi City; tigdalawa sa Tabaco City at Malinao; habang pawang tig-iisa sa Bacacay, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Oas, Pio Duran, Polangui, at Tiwi.

Mapapansin ang bahagyang pagtaas at pagbaba ng bilang ng kaso ng nasabing sakit sa lalawigan, kung kaya’t patuloy na pinag-iingat ang publiko laban sab anta nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *