2 bayan sa Catandunes, itinuturing bilang ‘high risk areas’ sa COVID-19 matapos makapagtala ng mataas na kaso ng sakit sa loob lamang ng 2 linggo

Catanduanes—Itinuturing ngayon bilang ‘High Risk Areas’ sa COVID-19 ang dalawang bayan sa islang lalawigan  ng Catanduanes bunsod ng mataas na bilang ng aktibong kaso ng sakit.

Ayon sa ulat ng Provincial Health Office, nasa ‘high risk areas’ ang mga bayan ng Pandan at Gigmoto matapos na makapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 mula sa 11 bayan, sa isla sa loob lamang ng dalawang linggo.

Sa pikahuling pagtatala ng Provincial Health Office, ang bayan ng Pandan ay kasalukuyang may 21 active cases ng sakit, habang dalawa naman ang naitalang fatalities o mga nasawi mula dito.

Samantala, siyam na aktibong kaso naman ang naitala sa bayan ng Gigmoto sa loob lamang ng dalawang linggo kung kaya’t napasama ito sa mga bayan na ikinokonsiderang high risk.

Bunsod nito, mas maraming doses ng bakuna ang inilaan mula sa dalawang nabanggit na bayan. Matatandaan na una nang idineklara ang pagsasailalim sa Alert Level 3 ng buong Catanduanes kaugnay ng COVID-19 status sa lalawigan makaraang pumalo sa 70% ang utilization rate ng mga kuwarto sa COVID referral hospital ng probinsya.

Pinangangambahan na kung patuloy pa itong tataas ay baka itaas rin sa Alert Level 4 ang Catanduanes at isailalim ang buong isla sa Enhanced Community Quarantine.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *