Menor de edad, wala ng buhay nang matagpuan sa Mauban, Quezon

Palutang-lutang at wala ng buhay nang matagpuan ang isang menor de edad sa Maapon River, Barangay Bagong Bayan, Mauban, Quezon nitong Huwebes, Abril 25.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang 1:00 ng hapon noong Abril 24 nang huli itong makita sa ilog bago ito mawala.

Lumabas rin sa imbestigasyon na may epilepsy at sakit sa pag-iisip ang biktima.

Samantala, isinugod naman ang biktima sa hospital subalit idineklara itong patay ng attending physician.

Sa ngayon, isasailalim sa autopsy ang mga labi ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *