2 negosyante sa Puerto Princesa, na-scam ng di umano’y nagbebenta ng bigas

Na-scam ang isang negosyante ng bigas sa New Market sa Barangay San Jose at isang tindahan sa Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa ng isang lalaki na di umano’y nagbebenta ng bigas.

Sa kuwento at blotter sa Barangay ng mga na-scam na sina ginoong Rey Taba, may ari ng isang bigasan at Rex Heredero, may ari ng tindahan sa Tiniguiban na binagsakan ng 10 sako ng bigas na tig 25kls.

Una di umanong nagtungo nitong Lunes, ika- 27 ng Pebrero sa tindahan ni Mr.Heredero ang hindi nakilalang suspek at nag canvass ng bigas na Jasmine nang di umano’y makumbinsi si Heredero.

Nag tungo naman ang suspek sa puwesto ni Mr.Taba sa palengke at dito kumuha ng bigas na sya naming dinala sa tindahan ni Heredero,subalit ang hindi alam ni Mr.Taba na nag bayad na itong huli sa suspek at ng sinisingil na ni Mr.Taba ang suspek ay sinabi nito nasa bangko (BPI) na lang sila magbayaran.

Sa naturang bangko ay inabot daw ng kalahating oras sa paghihintay doon si Mr. Taba subalit hindi nagpakita ang suspek na tangay ang perang naibayad na ni Heredero.

Samantala, para sana bawiin ang bigas sa tindahan, dumaan sila sa brgy.at pulisya para sa kapasyahang paghatiaan na lang ng dalawang panig ang kalugian sa kanilang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *