2 patay matapos hampasin ng malalaking alon at malunod sa Napsan

Patay ang dalawang katao matapos na hampasin ng malalaking alon at malunod sa tabing dagat ng Bgy. Napsan Puerto Princesa City.

Ayon kay kapitan Gerry M. Acosta, nangyari ang trahedya sa Sitio Labtay at itinawag sa kanya ang insidente bangdang alas-dos ng hapon nitong Lunes, ika- 31 ng Oktubre 2022.
Ang mga namatay ay mag tiyuhin na kinilalang sina dating Kagawad Rickey Manito Sr. 46 anyos at angk pamangkin nito na si Ramon Manito Jr., 25 anyos.

Sinabi ni kapitan sa Brigada na “nag-bonding” kahapon sa tabing dagat ang mga biktima kasama ang iba pa at sila umano ay pumatong sa bato para sana magpa-picture.

Hinampas sila ng malalaking alon at bago bumagsak sa tubig dagat at nalunod, ayon pa sa opisyal.

Ang isang anak ni dating kagawad Rickey na si Ricky Manito Jr. ay kasamang nalaglag mula sa ibabaw ng bato kaya isinugod rin ito sa Ospital kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *