Mga pari hindi na pinakikinggan dahil umano sa “bungi-bunging” pilosopiya ayon kay Bishop Alarcon

CAMARINES NORTE – Ikinalungkot ni outgoing Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang tila paghina umano ng Philosophy department sa seminary formation dahilan para hindi na pakinggan ang mga pari na aniya’y “bungi- bungi” ang pilosopiya.

Sinabi ito ng obispo sa opening mass sa pagtitipon ng Bicol Association of Philosophy Seminarians sa Holy Trinity Cathedral dito sa Daet kung saan kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng Philosophy. Aniya kailangang mayroong malalim na pang unawa sa pilosopiya dahil kailangan ito ngayon ng simbahan sa pakikipag diyalogo ngayong 21st century.

Ikinalungkot din ni Alarcon, na hihiranging bagong Arsobispo ng Caceres, na mayroon din umanong mga nagtuturo ng pilosopiya pero sila mismo ay hindi rin ito naiitindihan. Aniya importante ang philosophy department dahil kapag mahina ito ay siguradong mahina rin ang Theology department. Mababatid na bago tumanggap ng banal na orden ay kailangang makapagtapos ng Philosophy at Theology ang isang nag- aaral sa pagpapari. Mababatid na bihira lang magbigay ng ganito kabigat na pahayag ang Obispo na kilala sa pagiging “soft spoken.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *