Camarines Norte napanatili ang pagiging “pertussis free” status ayon sa DOH

CAMARINES NORTE – Napanatili ng Camarines Norte ang pagiging “pertussis free” status batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health nitong Biyernes, April 26.

Maliban sa Camarines Norte, zero case din ang Catanduanes habang ang apat na probinsiya sa Bicol ay mayroon nang mga naitalang kaso.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, mas pinaigting nila ngayon ang surveillance lalo’t walang available na suplay ngayon ng bakuna kontra pertussis.

Una nang inihayag ng opisyal na kahit walang naitatalang kaso ng pertussis ang probinsiya ay plano na ng PHO na maglagay ng pertussis fast lane sa mga ospital bilang anticipation sa posibleng pagkakaroon ng kaso.

Sa pinakahuling datos ng DOH, 33 na ang naitalang kaso ng pertussis sa rehiyon, 11 ang laboratory confirmed at dalawa naman ang clinical case.

Unakyat na rin sa dalawa ang bilang ng mga namatay makaraang makapagtala sa Camarines Sur. Unang nakapagtala ng fatality ang Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *