2 Sorsoganon kabilang sa CSC regional winners ng 2022 Search for Outstanding Government Workers

SORSOGON CITY – Dalawang Sorsoganon ang napabilang sa regional winners ng 2022 Search for Outstanding Government Workers ng Civil service Commission o CSC.

 Awardee bilang Oustanding Public Officials and Employees o Dangal ng Bayan sina Neneth Alama Principal II Division Coordinator ng Department of Education Sorsogon at si Rowan Celestra Principal II ng Buenavista Elementary School Sorsogon City.

Bukod kina Alama at Celestra, Dangal ng Bayan awardee din sina Mark Anthony Rupa Chief Education supervisor ng DepEd Masbate, Eva Graceda Social Welfare Officer IV ng Albay Provincial Government, Antonio Morada Librarian II ng DepEd Regional Office 5 Legazpi City at Atty. Alex Nepomuceno Professor V ng Bicol University Legazpi City.

Habang Regional Winner naman ng CSC Pagasa Award para sa Individual Category si Dr. Fulbert Alec Gillego Legazpi City Government Department Head I.

Mababatid na layunin ng annual search na mahikayat at magbigay ng inspirasyon sa mga empleyado na higit pang paghusayin ang kalidad ng kanilang trabaho ng mas malalim na involvelment sa serbisyo publiko at  kilalanin ang mga karapat-dapat na lingkod-bayan na nagpamalas ng mahusay na serbisyo sa kani-kanilang larangan o nagsisilbing mga modelo ng huwarang pag-uugali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *