2 taga Region 12 nagpositibo sa Omicron variant

KORONADAL CITY- NAGPOSITIBO sa Omicron variant ng COVID 19 ang dalawang mga residente ng Soccsksargen region. Ito ang inihayag ni Department of Health o DOH 12 Regional Director Aristides Concepcion Tan sa isinagawang pressconference.

Ayon kay Tan na isa sa mga nagpositibo ay ang 15 years old na idineklara nang recovered noong nakaraang buwan, habang ang isa naman ay Overseas Filipino Worker (OFW) na mula sa Saudi Arabia na ngayon ay nananatili sa Metro Manila at isinasailalim sa isolation

Sa mensaheng ipinadala ng opisyal sa Brigada News Gensan, inihayag nito na ang 15-anyos ay residente ng Polomolok, South Cotabato at ang OFW ay residente ng Glan, Saranggani province.

Ngunit nilinaw ni Glan Mayor Vivien Yap na hindi nakauwi o nakatapak sa kanilang bayan ang naturang OFW.

Kaugnay nito, nanawagan si Tan sa lahat na sundin ang ipinatutupad na striktong minimum health standard at huwag maging kampante.

Hinihikayat din nito ang lahat na magpabakuna laban sa COVID 19 upang makaiwas sa malalang sintomas ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *