1.2 million target ng DOH 12 sa regional vaccination days

KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ang Department of Health o DOH Region 12 ng Regional Vaccination Days sa January 25, 26 at 27 at February 7, 8 at 9.

Inihayag ni DOH 12 assistant regional director Dr. Sulpicio Henry Legaspi na layon nito na mapaigting ang vaccination coverage sa rehiyon lalo na sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID 19.

Target sa naturang vaccination drive ang mga hindi pa nababakunahan, hindi naturukan ng second dose at mga indibidwal na eligible nang makatanggap ng booster dose.

Binigyang diin ni Legaspi na mahalaga ang second dose upang mapalakas ang proteksyon laban sa virus.
Nasa 1,220,139 ang target mabakunahan sa tatlong araw na Regional Vaccinations Days ngayong Enero o 406, 713 kada araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *