20 naitalang positibo sa HIV/AIDS  ng hygiene clinic sa Naga

NAGA CITY –  Umabot na sa mahigit 20 ang nag positibo sa HIV/AIDS sa Naga City at inaasahan na madagdagan pa ito dahil sa patuloy na pagbibisita at pagkukunsulta ng klinika sa mga individual na may impeksyon.

Ngayong araw may nakatakdang konsultahin sina Grace Guevarra, head ng hygiene clinic bilang bahagi ng pagtugon sa kanilang panawagan sa ginagawang regular na Free HIV AIDS Testing.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Guevarra, nabanggit nito na ito na ang resulta ng aktibo nilang pagba-barangay dahil sa nabubuksan na ang kaisipan ng publiko kun ano ang impeksyon na ito na nagiging sanhi ng kamatayan kung hindi naagapan.

Katulong nina Guevarra sa programang ito ay ang mga Trained–Barangay Health Workers ng lungsod.

Anya’y hindi sila nawawalan ng pasyente araw-araw sa klinika na mula pa sa kung saan na lugar sa Bicol at ang pagkakakilanlan sa mga ito ay itinatago nila bilang pag respeto sa pagkatao ng mga ito.

Tulad ng dati, karamihan sa mga pasyente nila ay mga lalaki at kung meron mang babae, ito ay nahawaan lamang ng kanilang ka relasyon.

Sa ngayon, tutok sina Guevarra sa pag monitor sa kalusugan ng mga ito dahil sa isa sa posibleng maging komplikasyon nila ay ang TB o Tuberculosis.   

Leave a Reply

Your email address will not be published.