Sen. Poe nagpasalamat sa mga nakiramay sa pagpanaw ng inang si Susan Roces

Bagamat nagdadalamhati, labis ang pasasalamat ni Senator Grace Poe sa mga nakiramay sa pagpanaw ng kanyang inang si Susan Roces.

Sinabi ni Senator Poe na maging sila ay nabigla sa pagpanaw ng kanyang ina bagamat sa mga huling linggo nito ay mistula silang inihanda.

Ayon sa Senadora, marahil ay na-miss na din nang husto ng kanyang ina ang kanyang amang si Fernando Poe Jr. na ilang dekada na ding yumao dahil sa tuwing nag-uusap silang mag-ina ay hindi puwedeng hindi nito mabanggit ang esposo

Dalawang linggo kasi bago ang pagyayo ng kanyang ina, sinabi ni Senador Poe na nakaramdam na sila ng senyales nang hindi na ito makakain nang maayos at ayaw niyang kumain.

Idineklara ng mga doktor na yumao ang Queen of Philippine Movies na cardiopolmunary ang dahilan ng pagyao nito.

Sa lamay ng kanyang ina sa the Heritage Park, kinumpirma ni Poe na bago naospital ang kanyang ina ay naging masaya ito nang maging ganap na batas ang RA no. 11767 na naglalayong mabigyan ng mas maayos na suporta ang mga bagong panganak na inabandona ng magulang o mga tinatawag na foundling..

samantala, kinumpirma din ni Senator Poe na noong dinala sa ospital ang kanyang ina ay parang wala ito sa sarili habang ilan sa mga huling bilin niya ay dalhin ang kanyang mga apo sa bahay nila sa Baguio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *