226 nag-graduate bilang mga bagong sundalo sa 9th ID

NAGA CITY – Umabot sa 226 ang mga nag graduate kahapon bilang mga bagong sundalo ng 9th Infantry Division Phil Army sa Camp Elias Angeles sa Pili Camarines Sur.

Ang mga bagong sundalong ito ay walong buwang nagsailalim sa iba’t-ibang training sa naturang kampo na nagsimula June 13, 2022.

Naging mas mahigpit ang ginawang pagpili sa mga ito na kung saan may 235 na nakapasa mula sa maraming mga aplikante subalit 226 lamang ang nagpatuloy hanggang maka graduate.

Sa kanilang pag apply, naipasa nila ang Physical Fitness Test, Neuro Psychological Examination, General Physical Examination at iba pang test.  

Ang klaseng ito ay tinawag na Makaragsa o ang ibig sabihin ay Magigiting na Kawal, Raragasa upang Magligtas ay binubo ng isang Criminologist, Psychometrician, isang cumlaude, 11 mga licensed teachers,82 college level at college graduates.

Se mensahe ni Major General Adonis Bajao Jr., ang commander ng 9th ID, Phil Army, nagpaabot siya ng paghanga sa mga bagong sundalo dahil sa kagitingang ipinakita sa training.

Ayon pa sa heneral, patuloy na bukas ang kanilang division, sa pagtanggap ng mga gustong maging bagong sundalo ng bansa.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *