Mga tour guide at tour operators na walang permit, pagbabawalan nang makapag-operate sa Caramoan, Camarines Sur

NAGA CITY –Pagbabawalan nang makapag operate ang mga walang permit na tour guide at mga tour operators sa Caramoan, Camarines Sur at ipatutupad ang pagpapatupad n pila-pila system sa mga Motorboat Operators.

Isa ito sa mga binigyan ng atensyon ng Tourism Office sa ginawang pagpupulong kasama ang iba pang miyembro ng Tourism Sector na pinangunahan ni Mayor Marilyn Socorro Co at ilan pang opisyal.

Sa naging panayam kay Katherine Herrero, Municipal Tourism Officer sinabing hangarin nila na maging mas organisado pa lalo na pagdating sa turismo kung saan mas magiging istrikto na sila ngayon. Prayoridad ang seguridad ng mga turista, kailangan well trained at mag-iisyu na rin sila ng ID para sa mga ito.

Sa ngayon nasa 40 na sa kanila ang may permit.

Ipapatupad na rin ang pila-pila system sa mga motorboat operators nang sa gayon ay madali na lamang sa kanilang makuha ng mga pasaherong turista, nag-organisa na rin ng association at maging ang insurance policy sa para sa kanila ay napag-usapan na rin.

Ayon pa kay Herrero, matapos ang nasabing pagpupulong, naging maganda ang resulta at tugon ng mga ito sa kung ano rin ang plano ng Pamahalaan para sa kanila lalo na’t narinig din nila ang bawat isyu at concern ng bawat sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *