23-anyos na babae natagpuang patay sa tulay sa Camarines Sur

NAGA CITY- Patay na nang makita ang isang 23-anyos na babae sa Magarao , Camarines Sur bandang alas 12:20 ng Huwebes ng tanghali Peb. 2, 2023.

Inireport ito ng isang concerned citizen ang nakita sa tulay ng Barangay Punong partikular sa likod na bahagi ng Lepanto Flood Control Gate.

Base sa posisyon at ginamit nito pinainiwalaang kinitil ng biktima na itago lamang sa pangalang “Tin”, ang sariling buhay pero ayon kay PCapt. Monica San Juan , hepe ng Magarao PNP nagpapatuloy ang imbestigasyon, aalamin kung may foul play sa pagkamatay ng isang hospital staff na residente ng Naga City.

Base sa guidelines ng World Health Organization (WHO) na ipinapasunod sa Suicide Reporting, hindi maaaring idetalye ang ginamit at proseso upang hindi makapagbigay ng ideya sa mga may parehong kaisipan.

Ngunit ng mga health experts sa mga magulang o sa mga guardians, laging i-monitor ang mga anak o mga kasama sa bahay at alamin ang problema upang mabigyan ng solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *