23k pulis, idedeploy ng PNP sa para sa balik eskwela

Tinatayang aabot sa 23, 000 na mga pulis ang idedeploy ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t-ibang paaralan sa buong bansa kasabay ng pagsisimula ng pasukan sa susunod na linggo.

Ito ay bilang bahagi na rin ng kanilang inilunsad na programa na ‘Ligtas Balik Eskuwela 2022-2023.’

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, layunin umano ng ahensya na paigtingin ang pagbabantay sa iba’t ibang lugar para sa seguridad ng mga guro, magulang, at mga estudyante ngayong pasukan.

Ayon kay Fajardo, may mga itinalaga silang police assistant desk sa mga paaralan nang sa gayon, kapag mayroong security concerns ang mga magulang at estudyante, ito agad ang kanilang lalapitan.

Kaugnay nito, inatasan na rin daw ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng mga Unit Commanders na makipag-ugnayan sa mga school administrators para sa mas maayos na seguridad sa mga paaralan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *