275 na estudyante sa sekundarya bagsak sa first quarter ng School Year 2021- 2022

CAMARINES NORTE- Naalarma ang Department of Education sa mataas na bilang ng mga estudyante sa sekundarya na bumagsak sa first quarter ng School Year 2021- 2022.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo umaabot sa 275 na estudyante sa Grade 10 mula sa iba’t- ibang eskwelahan sa Camarines Norte ang bumagsak base sa datos as of November 2021.

Ang bagay na ito aniya ay dapat na mabigyang pansin at mahalagang malaman kung naipapatupad ba ng maayos ang mga kinakailangang intervention.

Ginawa ang pahayag na ito ni Guemo sa programang DepEd Hour at ang bagay umanong ito ay dapat bigyang pansin.

Bagamat may mga bumagsak din sa elementarya ay hindi naman aniya ito kasing dami ng mga nasa sekundarya.

Kumpiyansa naman si Guemo na kaya pa itong magawan ng paraan para matulungan ang mga estudyante sa natitirang dalawang quarter.

Kailangan lang aniyang seryosong mapag usapan ang hinggil sa bagay na ito.

Dagdag pa nito na magiging katanggap- tanggap lang umano ang maraming bilang ng mga bumagsak kung hindi na nakikilahok o talagang hindi na ginagawa ng mga estudyante ang mga activities na nire- require ng guro.

Hinimok din ni Guemo ang lahat lalong lalo na ang mga guro at magulang na magtulungan para sa mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *