3 lalaki, arestado sa drug buy-bust ops sa Lucena City

Arestado ang tatlong (3) lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City nitong Huwebes, Marso 7.

Ayon sa police report, bandang alas-9:25 ng gabi nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kina alyas “Anling”, 50-anyos; alyas “Kokoy”, 50-anyos at alyas “Rusty”, 39-anyos.

Sa gitna nito, nasamsam mula sa mga suspek ang mahigit tatlong (3) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱65,000 at ang boodle money na ginamit sa operasyon,

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *