3 pamilya mula ncr, nakauwi sa Isabela sa ilalim ng balik probinsya program

Tatlong pamilya ang panibagong nabenepisyuhan ng Balik Probinsya Program (BP2) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ang mga naturang mga benepisaryo ay nanggaling sa NCR na naapektuhan ng COVID-19 pandemic at mga displaced workers na nais nang umuwi sa probinsya.

Dumating sila sa City of Ilagan at sinalubong ng mga opisyal ng PGI kasama ang iba’t-ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Nasa kabuoang siyam na indibidwal ang umuwi at sinundo ng kanilang mga receiving LGU ng City of Ilagan, San Mariano at Tumauini.

Ayon sa Isabela Provincial Information Office, bago ang pagdating ng mga benepisaryo ay sumailalim muna sila sa 14-day home quarantine sa Manila at dumaan sa tamang proseso para masigurong nasunod ang health protocols hanggang sa kanilang uuwiang mga barangay.

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng 5,000 pesos at binigyan din ang bawat-isa sa kanila ng 1,000 pesos at mga groserya.

Nagbigay din ang DA Region 2 ng mga seedlings, food packs, hygiene kits at health supplements naman ang ibinigay ng DSWD at DOH Region 2 habang nagkaloob din ang DepEd Isabela ng school bags para sa mga bata.

Photo/ Isabela PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *