3 suspek patay sa Drug buy-bust operation sa Oas Albay, 1.7M worth ng shabu nakumpiska

LEGAZPI CITY—Dead on Arrival sa ospital ang tatlong subject ng drug buy bust operation matapos umano ang mga itong manlaban sa mga awtoridad sa P4, Brgy. Busac, bayan ng Oas, Albay.

Kinilala ang mga itong sina Ramon Mutuc a.k.a “Omar”, 44 taong gulang, walang trabaho, myembro ng “Bahala na Gang”; Jose Maria Arvin Samson Bautista, 28-anyos, driver at si Gregorio Manebo Garcia Jr, 42 anyos, mechanic at lahat residente ng De Castro St. Malinta, Valenzuela City.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PMajor Gerard John Villafuerte, ang Chief of Police ng Oas Municipal Police Station, hapon nang mangyari ang insidente kung saan nanguna sa nasabing operasyon ang PIB unit laban sa mga suspek.

Ayon pa kay Villafuerte, isang asset ng Bilibid prison ang ipinakilala sa intelligence unit ng PNP ang pagkakasnagkot sa iligal na droga ng mga suspek.

Matapos ang masusing pagpaplano ng mga otoridad ay ikinasa ang operasyon kung saan positibong kumagat sa pain ang mga suspek matapos pagbentahan nito ng pinaniniwalaang shabu ang mga operatiba na tumitimbang ng 350 grams at nagkakahalaga ng aabot sa P1.750 million.

Nang matapos ang bilihan, nang lalapitan na ng kapulisan ang target na si alyas Omar ay dito na ito bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.Maswerteng hindi tinamaan ang isang PNP personnel matapos itong tumalon sa irigasyon.

Mabilis namang gumanti ang mga oepratiba daan para tamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isa sa mga suspek.

Pero sa halip na sumuko ang dalawa pang suspek ay pinaputukan din ng mga ito ang mga awtoridad kaya gumanti rin ang law enforcement team kung saan tinamaan ang mga suspek.Itinakbo pa sana sa ospital ang mga ito ngunit binawian rin ng buhay.

Napag-alaman na ang mga suspek ay dayo lamang at nagsusupply ng iligal na droga sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *