3 suspek sa pangho-holdap sa Puerto Princesa, kinasuhan na – PNP

Kinasuhan na ng pulisya ang tatlong suspek sa pangho-holdap sa isang empleyado ng construction company na si Allan Jayson Castillo Lagrosa.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, Robbery with frustrated Homicde ang isinampa sa tatlong hindi pa pinangalanang suspek.

Iniulat na ganap na 3:30 ng hapon noong ika- 22 ng Oktubre nangyari ang pangho-holdap.

Patungo umano sa isang farm ang biktima sakay ng motorsiklo para ibigay sana ang sahod ng mga trabahador doon.

Pagdating sa paakyat na bahagi ng Sitio Kasikaan Barangay Bacungan, Puerto Princesa City ay doon na siya pinaputukan ng baril ng ilang beses ng mga suspek na pinaniniwalaang nagtago sa damuhan malapit sa kalsada.

Matapos na tamaan ng baril at matumba sa kalsada ay nilapitan siya ng mga suspek at bago siya binugbog.

Nang tangkain nitong lumaban ay doon siya hinataw ng matigas na bagay sa ulo kaya nakuha ng mga suspek ang kanyang bag na may laman umanong P45, 000.00.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *