3 weeks na transition period, ibibigay ng DILG para sa mga bagong halal na BSK officials

Bibigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng hanggang sa tatlong linggong transition period ang mga nanalong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos na sapat na itong panahon para magkaroon ng ‘proper transition’ ang mga outgoing officials, at ang mga incoming local officials.

Sa period na ito, dapat daw ay masiguro ang sapat na turnover ng mga dokumento’t mga properties ng mga barangay.

Nagpaalala naman si Abalos sa mga bagong SK officials na kinakailangan nilang dumaan sa mandatory na training and seminars.

Sabi ng Kalihim, naayon ito sa batas, at hinding-hindi sila maaaring manungkulan hangga’t ‘di sila nagsasanay para sa local governance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *