32 anyos na lalaki arestado sa ikinasang buy-bust operation

CAMARINES NORTE- Isang 32 anyos na lalaki ang naaresto sa ikinasang bubyust operation ng mga otoridad alas 11:00  ng gabi nitong Agosto  28, 2021 sa Purok 1A, Barangay San Roque, Mercedes Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si HERNAN TAYO y Lazado, 32 anyos, may asawa, tindero ng tinapa at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha sa nasabing operasyon ang Isang (1) maliit na selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” (buy-bust drug); Tatlong (3) maliliit na pirasong selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu”; at Isang (1) Limandaaang Piso (PhP 500.00) na buy bust money.

Tinatayang  umaabot sa humigit kumulang  0.83 gramo na may katumbas na halaga na umaabot sa  Dalawang Libong Piso (P2,000.00) ang mga nakumpiskang iligal na droga

Nakakustodiya na sa himpilan ng pulisya ang arestadong lalaki para sa kaukulang dipsosisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *