35 mula sa 63 barangay sa Virac, Catanduanes, ideneklarang drug cleared

Virac, CATANDUANES—Makakatanggap ng P20,000 cash reward ang nasa 35 mga barangay sa bayan ng Virac, Catanduanes matapos ang mga itong ideklarang drug cleared at drug free barangays ng LGU, PDEA at PNP-Virac.

Ayon sa ulat ng mga nasabing tanggapan, 35 mula sa 63 barangay sa nasabing bayan ang itinuturing na ngayong drug cleared.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: Brgy. Talisoy, Batag, Buenavista, Cabihian, Calampong, Casoocan, Hawan Grande, Hawan Ilaya, Marilima, at Sto. Cristo na taong 2018 pa umano nalinis sa pagkakaroon ng impluwensya at transakyon ng ipinagbabawal na droga.

Nitong nakaraang taong 2020, dumagdag sa mga listahan ng drug cleared barangays ang mga barangay ng Antipolo Del Sur, Sogod Simamla, Sta. Cruz, San Pedro, Pajo San Isidro, Valencia, Palta Big, San Roque, Magnesia Del Sur, Sto. Niño, Tubaon, Hicming, JMA Poniton, Palta Salvacion, Palta Small, San Jose, at Marcelo Alberto.

Habang nitong buwan lamang ng Mayo ng kasalukuyang taon, napabilang na din sa listahan ang barangay ng San Juan.

Bilang gantimpala at pagbibigay pagkilala sa naging pagsusumikap na malinis ang kanilang mga barangay mula sa iligal na droga, tatanggap ang mga ito ng nasabing halaga ng cash incentives ngunit bago ito, kailangan muna nila ng sertipikasyon mula sa tatlong nasabing ahensya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *