San Narciso, Zambales may libreng RAT para sa mga manggagawang residente ng bayan

Mayroon na ring libreng rapid antigen test ang bayan ng San Narciso sa Zambales.

Ito ay para lamang sa mga manggagawang tumatawid ng Subic border na residente ng bayan.

Kinakailangan lamang magpakita sa Rural Health Unit ng patunay na empleyado ng kompanya sa labas ng probinsiya katulad ng company ID.

Samantala, tuwing Lunes at Byernes lamang ang schedule ng RAT mula alas otso ng umaga hanggang alas onse ng umaga.

Dahil sa limitado lamang ang test kits ay hanggang limampung manggagawa lamang ang pwedeng isalang sa antigen test.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'CuraMed Garlic has the potential to protect the kidneys from harmful toxins. Shop now! Lazada da'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *