4 anyos na bata, patay matapos mabangga ng sasakyan sa Polangui, Albay

Dead on arrival sa ospital ang isang apat na taong gulang na bata matapos mabangga ng sasakyan sa kahabaan ng riles sa Brgy. Matacon, Polangui, Albay.

Kinilala ang driver ng sasakyang Ford Ranger na may plate No. ABL 9660 na si alyas “Jose”, 56 anyos.

Ayon sa report, bandang 2:30 ng kahapon, nakatanggap ng tawag ang Polangui MPS sa isang Leah Cariño, 54 anyos, residente ng nasabing barangay, na ang kanyang apo ay aksidenteng nabangga ng nasabing sasakyan, habang papalabas ng gate ng Gonzales residence.

Nagtamo ng fatal injuries ang biktima at agad na dinala ng driver sa Zone Medical Intervention Hospital, Ligao City upang magamot ngunit kalaunan ay idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Dinala sa Polangui MPS ang driver kasama ang sasakyan para sa imbestigasyon, habang ang mga kaanak naman ng nasawing biktima ay undecided pa kung sasampahan ng kaso ang driver.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang Polangui MPS sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *