Tinanggap na ng apat na miyembro ng PDP-Laban bloc sa Senado na hindi na makakarating sa plenaryo ang panukalang naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constituent assembly.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kukulangin aniya sila ng suporta lalo pa’t tanging ang mga kasamahan niyang sina Sens. Francis Tolentino, Bong Go at Robin Padilla ang sumusuporta sa panukala.
Gayunpaman, sinabi ni Dela Rosa, na hindi niya tatawaging pag-aaksaya ng oras ang mga pagdinig sa antas ng komite.
Nagpahayag din ng paghanga ang senador kay Padilla sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya.//CA