Mga kawani ng gobyerno na makikipag tulungan sa ICC, binalaan ng DOJ

Nagbabala ang Department of Justice sa sinumang opisyal o kawani ng gobyerno na makikipag tulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC, hinggil sa drug war ng nakalipas na administrasyon.

Kasunod ito ng ibinunyag ni dating senador Antonio Trillanes na nakikipag ugnayan na umano ang ICC sa mga aktibo at dating opisyal ng PNP.

Sa MalacaƱang press briefing, sinabi ni DOJ Spokesperson at Asst Secretary Mico Clavano na government policy ang pagkalas sa ICC at matibay rin ang paninindigan ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi makikipag cooperate sa ICC.

Kaya ang sinumang opisyal o kawani na lalabag dito ay may kaakibat na accountability at liability.

At pwedeng maharap sa parusa sa ilalim ng RA 6713 o conduct of public officers.

Pero nilinaw ni Clavano na posibleng walang pananagutan ang mga retiradong opisyl na may contact sa ICC kung sila ay kumikilos batay sa kanilang civilian o personal capacity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *