₱50-milyon, pinsala ng El Niño sa Camarines Sur – DA Bicol

CAMARINES SUR- Hindi kinaya ng maraming pananim lalo ng palay ang matinding init ng panahon na dala ng El Niño Phenomenon, sa datus na nakuha ng Brigada News FM Naga sa Department of Agriculture Bicolumabot na sa ₱50, 103,088 ang pinsala sa palayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, tagapagsalita ng ahensya binanggit nito na  9, 283 ang mga apektadong magsasaka sa Albay, Masbate, Sorsogon at Camarines Sur. Sa bayan ng Libmanan sa Camarines Sur 459 magsasaka ang apektado habang 881 naman sa Pamplona. Kung lalahatin 933 ektarya ng palayan na ang epektado sa probinsya mula Marso hanggang Abril.  Maliban sa mga bilang na ito mayroon pang mga under validation.

Maliban sa maitutulong ng Philippine Crop Insurance Corporation sa mga rehistradong magsasaka, ₱22- milyon pesos na halaga ng asistensya inilaang pondo ng DA para sa mga apektado  tulad ng binhi, abono, fertilizer at iba pang pang gamit sa pagsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *