Power rate adjustment sa Casureco IV, malabo pa sa kabila ng malakas na demand ngayong tag-init

CAMARINES SUR — Malabo pa ngayong susunod na buwan o ngayong Mayo ang pinangangambahan ng maraming member-consumer na taas taripa sa Casureco IV, ito ang kinumpirma ng kooperatiba sa kabila ng pagtaasan ng singil ng mga kapatid na electric cooperative.

Ayon kay Rodel Sical, ang spokesperson ng Casureco IV, hindi pa umano nakikita base sa kanilang tala ang power rate adjustment ngayon sa kabila ng malakas na demand ng kuryente dulot ng matinding init ng panahon. Dagdag pa niya,  hindi tulad ng iba, mura pa ang nabibiling supply ng kuryente ng kooperatiba sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), bagay na malaking kontribusyon sa hindi pagtaas nito.

Subalit base sa projections ng kooperatiba, nakikita na nilang ngayong darating na kalagitnaan ng Hunyo o Hulyo posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil sa pagtaas rin ng demand nito dulot ng kaliwa’t-kanang pyesta at handaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *