5 karagdagang Pilipino sa abroad, dinapuan ng COVID-19; Kabuoang bilang, nasa 18,165 na – DFA

Naiulat ng Department of Foreign Affairs na nadagdagan ng lima ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ng DFA na umakyat na ang kabuoang bilang ng mga overseas Filipinos na tinamaan ng virus sa 18,165.

Ibinalita rin ng DFA na wala itong bagong fatalities at recoveries na naitala, ngunit nasa 5,882 pa ang mga aktibong kaso na patuloy na sumasailalim sa gamutan.

Binanggit ng ahensya na nanatiling nasa 11,162 ang bilang ng recoveries habang nasa 1,121 naman ang death toll.

Mababatid na nasa Middle East/Africa ang pinakamaraming bilang ng mga Pilipino na nakumpirmang may COVID-19 matapos nitong umabot sa 10,422 kabilang na ang 731 deaths at 5,863 recoveries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *