550 personnel ng DEPED region 2, nabakunahan na

Nabakunahan na ang nasa 550 na personnel ng Department of Education Region 2 base sa kanilang datos ng May 4, 2021.

Ito ang kinumpirma ni Amir Aquino ang Head ng Public Affairs Unit ng DEPEd Region 2 sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, base sa datos na ibingay ng 9 na Schools Division Office ng ahensiya ay nasa 550 na teaching and non-teaching personnel na ang nabakunahan at inaasahan aabot pa ito ng humigit kumulang na 1,000.

Dagdag pa niya, ang nabakunahan na mga guro ay napabilang sa A4 at A3 Category kaya’t nakatanggap na sila ng unang dose ng bakuna.

Patuloy naman aniya naminomonitor ng mga health offices ng bawat SDO ang mga personnel na nabakunahan upang masiguro na walang adverse event na nararanasan ang mga ito.

Ibinahagi rin ni PAU Head Aquino na mula noong nagsimula ang pandemya ay nakapagtala na ng 436 na kaso ng COVID-19 kung saan binubuo ito ng mga learners, teaching at non-teaching staff.

Samantala, mayroon naman umanong mga nabuong opisina sa Regional office at bawat SDO na nakatakdang maglaan ng pondo para sa mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng kaguruan kung saan aabot sa 100,000 ang assistance na maibibigay ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *