6 na Barangay sa Cauayan City, idineklarang drug cleared

Idineklara na ng PDEA Region 2 katuwang ang Cauayan City Police Station, DILG at CHO ang panibagong anim na barangay sa Lunsod ng Cauayan bilang drug cleared barangay.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, ang bagong mga barangay na idineklarang drug cleared ay kinabibilangan ng Faustino, Gagabutan, Baringin Sur, Sta. Luciana, Villa Luna at San Luis, Cauayan City.

Aniya, ang nasabing mga barangay ay naghanda ng isang libro kung saan nakapaloob ang mga dokumento na hiningi ng PDEA at dumaan sa kanilang balidasyon katuwang ang DILG at CHO.

Ayon pa kay PLt. Topinio, base sa datos ng Cauayan City Police Station ay nasa 26 na barangay na ang idineklarang drug cleared habang 19 naman ang drug free.

Samantala, mayroon pang 6 na barangay sa lunsod ang nagsumite na ng dokumento sa PDEA Region 2 at inaasahang maaprobahan at maideklarang drug cleared barangay kung papasa ito sa balidasyon.

Habang 2 barangay pa ang nirerepaso naman ng RHU Cauayan City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *