3 naglalaro ng Tong-its, arestado sa Batangas

ROSARIO – Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na maabutan ng mga pulis na naglalaro ng Tong-its sa Brgy. Itlugan, Rosario, Batangas, bandang 9:00 kagabi.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Sation ang mga naaresto na sina Rhayan Escarez, 38 anyos; Rodel Magtibay, 38 anyos at Florentino Relos y Punzalan, 51 anyos.

Ayon sa imbestigasyon, inilunsad ng naturang himpilan ang anti-illegal gambling operation matapos na makatanggap ng report kaugnay sa paglalaro ng Tong-its ng ilang residente sa naturang lugar.

Dahil dito ay aktong nahuli ng operatiba ang tatlo na naglalaro ng Tong-its at narekober mula sa kanila ang isang set ng baraha at 1,000 pesos na halaga ng pera.

Nakakulong na ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal gambling.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *